February 10, 2011
Usapang Kairo Muna tayo.......
Lahat tau may kanya kanyang katangian. Lahat ipinanganak na iba sa bawat isa. Bawat buhay ay may bawat disenyo na sadyang iba sa bawat kapwa na ating naka- at makakasalamuha. Huwag kang magtaka kung ikaw ay nag-uulam ngayon ng tuyo samantalang ang iyong kapitbahay ay nagtitiis na lang sa nilagang baka at chicken macaroni salad. Ganyan talaga ang buhay, dahil hindi kau ipinangank na magkakaparehas ng distinasyon sa buhay. Kung ang lahat ay ipapanganak na mayaman, sino na ang magbubungkal ng lupa para may mabili tayong bigas? Wala di ba. Sapagkat ang buhay ay isang malaking ecosystem kung saan ang lahat aynagkakarugtong. Hindi pwedeng mawala ni ang pinakamaliit na bahagi ng sistema. KUng hindi ay magiging imbalance ang sistema. HIndi naman sinasabing msama ang mangghusga ng kapwa mo tao, ngunit sadyang hindi lang talaga siya maganda sa paningin ng Poong Maykapal, sapagkat kung pano mo hinusgahan ang kapitbahay mo ay sa gayong paraan ka rin huhusgahan ng langit na darating sa panahong hindi natin alam. Kaya tayong nilalang ay nararapat na maging laging handa sa pagdating ng paghuhukom, tayoy nararapat na magbantay umaga at gabi, sapagkat itoy darating tulad ng magnanakaw, daating hindi mo inaasahan, sapagkat binabantayan niya ang bawat kilos mo't galaw. Napapansin ko sa bawat umaga tuwing nakatayo ako sa may pinto ng tindahang aking binabantayan, napakaraming dumaraan. Lahat may kanya-kanyang istilo sa paglakad. iyong iba, parang hinahabol ng kung anong multo na kung maglakad ay tila lumilipad na. Nakayuko at abala sa pag-aasikaso ng kung anu-ano sa katawan niya, tulad ng pag-aayos ng butones, pagsusuklay, at pagkakalikot sa dalang bag. Naghahanap ng kung anu-ano. Iyong iba naman, tila binibilang pa ang bawat hakbang. Tinatandaan ang bawat kalyeng nadadaanan. Simple lang ang buhay, walang bahid ng lungkot sa mukha. NI hindi mo makikita kung may bakas man ng problema at pag-aalinlangan. Kung meron man, iyon ay natatabunan ng matamis na ngiti sa mga labi na sumisilay tuwing nakasalubong ng kakilala sa daan. Iyong iba naman, nakayuko lang, tila kay lalim ng iniisip at napakalaki ng problema. Parang nagdadalawang isip kung hahakbang o hindi. Parang babalik na lang o tutuloy na. Bahala na si batman, o kung sino pa pamang superhero. Nag-iisip, naiiling at tila iiyak na sa dami ng iniisip. Napapakamot sa ulo, wala namang kuto. Iyong iba may kasama sa paglalakad at tuwang tuwa habang nagkukwentuhan. Tinatahak ang landas ng may kasama. Myroon ding naglalakad ng may kasama ngunit tila hindi naman kilala ang kasama niya. Ni hindi sila nag-uusap. Malungkot ang mukha ng bawat isa. Maraming naglalakad ng nag-iisa. masaya kahit walang kasama, kasi alam ang patutunguhan niya. Alam niya ang direksyon ng landas na tinatahak niya. Samantalang iyong iba ay palingon-lingon pa, tila naghahanap ng makakasama. Nagbabakasali na may makitang kakilala at maalok na masamahan siya sa pagtahak niya ng landas niya. Tunay na iba-iba ang landas ng bawat nilalang. kadugo mo man o kakilala lang, hindi maaaring ang inyong landas ay magkakapareha. Kanya kanyang disesyon, ibat-ibang patutunguhan. Nasa disesyon lang yan, at sa tiwala sa KANYA. gawin mo ang itong makakaya, ang iba ay sa KANYA na. itutuloy.......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment