Huwag mo gawin makitid ang utak mo.Isang sipleng tanong lang. MAdali lang ang sagot, may consequences depende sa kung ano at kung paano ka sumagot. Huwag mo ring isipin gandahan o pag-isipan ang isasagot mo. Gusto ko yung natural lang. Iyong kung ano lang ang unang pumasok sa isip mo. Opps, hindi to maharot na tanong ha. Oh ayan napangiti ka na naman. Ganyan lang, yan ang gusto ko, yung tipong COOL.
Ay, patawad, nasa pagatlong talata na tayo, di ko pa nasasabi ang tanong. Ikaw kasi, ngiti ka ng ngiti, naaaliw tuloy akong bolahin ka. Ang cute mo pa naman pag ngumiti. Ngiti ka nga ulit. Ay tumawa ka na eh. Siguro iniisip mo baliw ang sumusulat nitong binabasa mo ano? Ikaw ha, huwag ganyan, pagbaliw ang sumusulat, kabaliwan ang sinusulat nun,at nababaliw din ang nagbabasa. Gusto mo ba mabaliw? Hindi malamang. Kaya isipin mo na lang, gusto ko lang ihanda ka sa itatanong ko.
Pramis ito na iyon. Sa dulo ng talata na ito. Opps huwag ka lilingon sa katabi mo ha, malamang, kung nakikibasa iyan, pinagtatawanan ka na niyan. O di naman kaya ay nakikingiti din iyan. Ang tanong ko ay tungkol sa atin. May kasama ka ba? Tiyak hindi mo gugustuhin na may kasama ka pag tinanaong na kita. Dahil ayaw mong malaman nila ang isasagot mo sa tanong na,
"Sinong bobo sa atin?"
Opps,,,, COOL ka lang sa sagot mo. Susubukan kong hulaan iyan. Itoy nakaayon sa aking obserbasyon sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga taong nakakasakay ko sa dyip, sa mga nakakasalubong ko sa mall, at sa lahat ng taong nakita ko na, sa panaginip at sa totoong buhay.
Kaya mahigpit kong pinapaalalahanan ang sino man na huwag gayahin ang mga sumusunod sapagkat ito ay ginagawa ng mga eksperto lamang.
1. Sigurado ako na napangiti ka sa tanong ko. Malamang sinabi mo na, "yun lang?". Pag ganyan ang sagot mo, normal ion sa mga taong nakatikim na ng kulangot. O wag na itanggi, totoo naman. Maalat diba?
2. Kung pagkabasa mo ay lumingon ka kaagad sa katabi mo, isa lang ibig sabihin nun. Ayaw mong amining iniisip mong bobo siya, kaya hanggang tingin ka na lang.
Huwag ka tumawa, iniisip mo bobo katabi mo.
3. Kung napamura ka pagkabasa mo sa tanong. Ay naku bato bato sa langit ang tinamaan, di marunong umilag. Alam ko kung ano nilalaro mo pagkabukas pa lang ng pc mo. (no offense on online games) Ok lang yun, kasama yun sa paglaki ng mga taong kagaya mo. Ang magmura at mamura.
4. Kung sinabi mo ang salitang "ikaw". Aba maghunustili ka, papunta sa akin iyon. Kung bobo ako, kabobohan ang sinusulat ko at bobo rin ang nagbabasa. Oh eh di bumalik din sayo, welcome to bobo world.
5. KUng nagbanggit ka ng pangalan bilang sagot mo sa tanong, bilisan mo na ang pagbabasa mo. Kung nariyan lang sa tabi mo ang binanggit mong pangalan, nakku, mag-ingat ka. Baka masapak ka niyan. Ngingiti lang iyan, pero naiinis na iyan.
Kung wala kang reaksiyon sa tanong dahil takot ka sa magiging outcome o sa mga consequences, malamang ang boring ng buhay mo. Subukan mo rin kasi tuikim ng kulangot paminsan-minsan, ang sarap kaya nun. It adds color to your life. Everytime na maalala mong ginawa mo iyon, tiyak mapapangiti ka. At least meron ka ng masayang maaalala pag-nag-iisa ka lang.
Pero kung wala ka talagang reaksyon sa kabuuan ng binasa mo. Kung hindi ka man lang napangiti, maaari ka nang magpatingin sa espesyalista. Normal ka pa ba? Pagkat normal sa amin ang tumawa sa mga walang kwentang bagay. Pagkat parte yun ng buhay.
Sa ibinato kong tanong, wala akong balak patamaan o tumbukin.
Nais ko lang ipahayag ang realidad na simpleng nagaganap sa buhay ng mga simpleng mamamayan. Simpleng realidad na maaaring nakaapekto sa takbo ng buhay ng bawat simpleng tao na madalas kinaiinggitan ng iilan. Iilan na masyadong abala sa lipunan, at wala ng panahon sa mga simpleng bagay na tunay na magmamarka sa kabuuan ng pagkatao ng simple at masayang nilalang.
No comments:
Post a Comment