Wag na lang kaya!!!!!
Ako ay pagpasensyahan, ngunit sadyang di ko lang mapigilan itong aking pagdaramdam. Bato bato sa langit , ang matamaan blessing,. Sa mga tatamaan sanay inyong makuha ang mga puntong aking nais na inyong mabatid. Kailanman ay di ako tutol sa lesbianism. Natural lang sa nilalang ang madala sa bugso ng damdamin.Peo hindi kaya tila sobra naman ang mga ginagawa nila?
OO nga at napakarami nilang bagay na nagawa sa lipunan. Sila ay kapakipakinabang na mga mamamayan, Ngunit hindi sa paglalahat, nakakapanglumo ang katotohanang tila binababoy ng iilan sa kanila ang imahe na kanilang ginagaya.
Hindi ako galit sa mga bakla, marami akong mga kaibigan na bakla. Ngunit nakakaalarma lamang na marami sa kanila ang sakit na rin ng lipunan. Kung ang mga tunay na babae ay may mga mababa ang lipad na nagiging sanhi minsan ng pagkalat ng mga di kaayayang mga sakit, sa mga bakla naman ay mga imoral na pumapatol ng kapwa lalaki sa at may pasambasamba pang nalalaman.
Natutuwa ako na may mga taong umiidolo sa imahe ng kababaihan at nagpapatunay na isang magandang ehemplo para gayahin nila. Ngunit napasobra naman yata ang paggaya nila, Ang normal na babae ay umuuwi sa bahay bago pa man sumapit ang dilim, liban na lang kung may inaasikaso sa labas. Ang normal na babae, hindi nagsusuot ng gipit sa telang damit sa napakaraming tao at sa mga banal na lugar, liban na lang kung ang babae ay naimpluwensyahan ng makabagong paraan ng pamumuhay.
Hindi ako nanglalahat, ako'y nagpaparinig lamang sa iilan upang kanilang malaman na may hindi magandang dulot ang kanilang ginagawa. Tulad ng iilang kababaihan na walang respeto sa sarili at nagpapababa ng dignidad ng kababaihan.
Paano magkakroon ng respeto ang kalalakihan sa lipunan nating mga babae kung tayo sa sarili natin ay walang respeto.
Hindi pagandahan ang labanan, paglipas ng panahon, ang makinis mong mukha ay mangungulubot na rin, mawawala ang iyong sinasabing ganda. Ang matamis na ngiti ng iyong mapupulang labi ay mapapalitan ng ngiti ng pagsisisi sa mga ginawa mo na sadyang di mo na maibabalik. Kailan may di pa nabali ang kasabihan na "nasa huli ang pagsisisi".
Ika nga, ang mga bagay na iginuhit mo sa iyong libro ng buhay ay mababasa hanggang sa ikapitong henerasyon ng iyong lahi. Kaya ang lahat ng mga kahihiyan na iyong gagawin ngayon ay tatamasain ng iyong mga kaapoapohan. Sayang, iniidolo ko pa naman ang mga bakla na nakakagawa ng mga extra ordinary things ika nga.
Walang problema sa pagiging bakla, sana lamang ay wag sumubra, dahil nakakaumay tingnan at masyadong masakit sa mata ang mga bagay na hindi naman talaga ginagawa ng tunay na babae.
MAgpaopera at bilhin nyo man lahat ng kailangang bilhin upang maging isang tunay na babae, kailanmay hindi nyo matatamggal ang manipis na hibla na naghihiwalay sa tunay na babae at sa mga bakla.
Hindi kayo magiging tunay na babae sapagkat kami lang ang nakaranas ng buwanang dalaw na madalas nakakasira ng aura ng araw. Kami lang ang nagbibitbit ng bata sa tiyan sa loob ng siyam na buwan. Kami lang ang nagsisilang ng sanggol na naglalagay ng isa naming paa sa hukay ng libingan.
May mga natural na proseso na dinaranas ang isang babae na kailanmay hindi magagawa ng mga bakla. Kaya kahit anong gawin nyo, hindi kayo maging katulad namin. Maaaring mas umangat kayo sa amin sa halos napakaraming aspeto ng lipunan ngunit hindi nyo mababago ang katotohanan na kayo ay fan lamang.
OO fan lamang namin kayo na pilit ginagaya ang imahe namin ngunit di niyo magagaya ang katauhan namin. Magkapalit man ang lupa at langit ng disposisyon sa mundong ito, hindi nyo maikakaila ang katotohanan na kami ang tunay at nagtatag ng mga tunay at makataong pamantayan ng mga bagay na tunay na ginagawa ng mga kababaihan.
Ngunit sa likod ng lahat ng aking obserbasyon ay di ko na maibabalik ang mga nangyayari ngayon. Kailangan ko lang ay mapag-aralan ko na tanggapin ko ang presensya nyo sa lipunang ito. Na kung tutuusin ay napataob nyo na ang halos karamihan sa kababaihan sa maraming larangan. Hindi maitatago ang kagalingan nyo sa larangang tinatahak ninyo.
Marahil sa paglipas ng panahon ay matatanggap ko rin na may fans ako na kasing adik nyo na pati ang imahe ko ay ginaya nyo. Sanay turuan ako ng panahon na intindihin ang mga bagay na inyong ginagawa at matutunan ko ang diskarte niyo upang makagawa ng mas mabuting hakbang para sa pakinabang sa parehong karera ng bakla at kababaihan. Isang hakbang para sa pagbabago na magbibigay ng kaayaayang resulta sa nalalapit na hinaharap.
Matutunan ko rin ang mamuhay nang may fan na pilit akong ginagaya, na halos ibuhis at isakripisyo na ang sariling karera makuha ang lang ang nais ang maging isang ganap na babae kahit sa anyo man lang. Tanggalin man ang pagiging bakla ay pihadong magagawa ng isang tao ang kanyang talento sa pagkat ito ay natutunan simula sa pagsibol ng kanyang kaisipan hanggang sa pamamahinga at pagbawi ng kanyang hiniram na kaluluwa.
MInsan aking nasaisip kung bakit ko dinidscriminate ang mga tulad niyo na may napakalaking naambag sa lipunan lalo na sa pagpapaganda. Kung di na lang ako manahimik at hintayin na lang ang mga pagbabagong aking hinihintay na mangyayri pagkatapos na magising ang kahat sa himbing ng panlilinlang naningning ng bantayog sa karera ng buhay.
Ngunit tila hindi na mangyayari iyon sapagkat ang lahat ay tanggap na ang mga pagbabagong hindi inaasahan. Kaya imbis na magreklamo at magpahaging ng mga hinanakit ay makisabay na lang sa agos ng panahon. Sa gitna ng paghihimutok, nasabi ko, wag na lang kaya
Ang kathang ito ay nilikha hindi para ibaba ang dignidad ng mga bakla. Hindi rin para idiscriminate ang mga bakla, kundi upang maiparating ang kunting saloobin tungkol sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Upang pantay pantay na makuha ng kababaihan at mga bakla ang respeto na tila inaalis ng mga iilan na walang pagmamahal sa sarili.
PEACE SA LAHAT!!!
SALAMAT SA PAGBASA,
No comments:
Post a Comment