February 20, 2011

critics



it was a great challenge for each one of us to face critics and preparing how to take their criticism.

Some people say, they are pleased to be criticized. Yes, partially, they are saying the truth. But deep inside of each heart, there's a question, asking what are those things they didn't put into to make them look almost perfect. Almost perfect for no one's perfect, and to be away from criticism.

Critics always say they criticize for the benefit of the one being criticized. IT might let them know what to improve and to change. It can challenge each heart to do more, think more, and aim high.

But what are those things beyond the brighter side, that we can see as a leak to criticism.

As my teacher in English old me to use euphemism to minimized one hear and mind from heavy thoughts that might hurt their feelings.

Each were created unique from each other. If one can handle criticism as a challenge, somebody might be afraid to be criticized.
That might be the reason perfectionist are born. They are afraid to be criticized that's why they've always wanted to be perfect. They planned their life to be flawless, smooth, and straight.

It may alarm the critics to say things in accordance to the heart of a person. Coz' even a word can change ones perspective in life. It's a make or break word.

To put some lessons to learn for the critics that criticized as if there's no second chance, I collected things and situations that might result from criticism.

1. initiating argument and debate
Every after criticism, confrontations may follow, that could leak the main issue into more tangled problems from the past. This will not just affect the main person but also the persons surrounding them.

2.destructive effect
We cannot avoid sensitive persons. They scattered anywhere,hanging around. To the point that critics may hit them unintentionally. They often react just keeping their concerns secretly. Feeling the pain inside their heart that no one know. It can reduce their confidence. Aiming low and dreaming none for their life for they are afraid to be criticized again. They will feel they are incompetent.

3.discrimination
Once criticized person may try to avoid the crowd because of hurt feelings. It will serve as a blocking wall for them to face the reality and to socialize to grow as a mature being.

Hoping that critics will get my point, i wanted you to write down or comment on how you criticize. when was the last time you are criticized and how you respond.
Almost all of us, responds to criticism the way we criticize. Sometimes people who love to criticize afraid to be criticize.
Well we better accept each differences. It's just that we are different from each one of us.

tnx for reading,

kailan ba maghihilom?

bibig man ay nakatikom
sugat ay di pa naghihilom
sakit ng pagkabigo
sa puso ay tinatago

nakayuko ang mga mata
ayokong may makakita
kaluluwa ay lumuluha
lihim na nagdurusa

ayaw kitang sabihan
takot akong inyong malaman
mga pighati't kabiguan
mga pangarap na binitawan

huwag mo akong kaawaan
sususbukan kong kalimutan
ng hindi na masaktan
at pait ay di na maramdaman

bukas magkakakulay din ang langit
ibubulong sa simoy ng hangin
na ulap ay hawiin
sa himpapawid, ngiti ay iguhit

nakatingala man ako sayo'y magkapantay lang tayo..

Wag na lang kaya!!!!!


Ako ay pagpasensyahan, ngunit sadyang di ko lang mapigilan itong aking pagdaramdam. Bato bato sa langit , ang matamaan blessing,. Sa mga tatamaan sanay inyong makuha ang mga puntong aking nais na inyong mabatid. Kailanman ay di ako tutol sa lesbianism. Natural lang sa nilalang ang madala sa bugso ng damdamin.Peo hindi kaya tila sobra naman ang mga ginagawa nila?

OO nga at napakarami nilang bagay na nagawa sa lipunan. Sila ay kapakipakinabang na mga mamamayan, Ngunit hindi sa paglalahat, nakakapanglumo ang katotohanang tila binababoy ng iilan sa kanila ang imahe na kanilang ginagaya.

Hindi ako galit sa mga bakla, marami akong mga kaibigan na bakla. Ngunit nakakaalarma lamang na marami sa kanila ang sakit na rin ng lipunan. Kung ang mga tunay na babae ay may mga mababa ang lipad na nagiging sanhi minsan ng pagkalat ng mga di kaayayang mga sakit, sa mga bakla naman ay mga imoral na pumapatol ng kapwa lalaki sa at may pasambasamba pang nalalaman.

Natutuwa ako na may mga taong umiidolo sa imahe ng kababaihan at nagpapatunay na isang magandang ehemplo para gayahin nila. Ngunit napasobra naman yata ang paggaya nila, Ang normal na babae ay umuuwi sa bahay bago pa man sumapit ang dilim, liban na lang kung may inaasikaso sa labas. Ang normal na babae, hindi nagsusuot ng gipit sa telang damit sa napakaraming tao at sa mga banal na lugar, liban na lang kung ang babae ay naimpluwensyahan ng makabagong paraan ng pamumuhay.

Hindi ako nanglalahat, ako'y nagpaparinig lamang sa iilan upang kanilang malaman na may hindi magandang dulot ang kanilang ginagawa. Tulad ng iilang kababaihan na walang respeto sa sarili at nagpapababa ng dignidad ng kababaihan.
Paano magkakroon ng respeto ang kalalakihan sa lipunan nating mga babae kung tayo sa sarili natin ay walang respeto.


Hindi pagandahan ang labanan, paglipas ng panahon, ang makinis mong mukha ay mangungulubot na rin, mawawala ang iyong sinasabing ganda. Ang matamis na ngiti ng iyong mapupulang labi ay mapapalitan ng ngiti ng pagsisisi sa mga ginawa mo na sadyang di mo na maibabalik. Kailan may di pa nabali ang kasabihan na "nasa huli ang pagsisisi".

Ika nga, ang mga bagay na iginuhit mo sa iyong libro ng buhay ay mababasa hanggang sa ikapitong henerasyon ng iyong lahi. Kaya ang lahat ng mga kahihiyan na iyong gagawin ngayon ay tatamasain ng iyong mga kaapoapohan. Sayang, iniidolo ko pa naman ang mga bakla na nakakagawa ng mga extra ordinary things ika nga.

Walang problema sa pagiging bakla, sana lamang ay wag sumubra, dahil nakakaumay tingnan at masyadong masakit sa mata ang mga bagay na hindi naman talaga ginagawa ng tunay na babae.

MAgpaopera at bilhin nyo man lahat ng kailangang bilhin upang maging isang tunay na babae, kailanmay hindi nyo matatamggal ang manipis na hibla na naghihiwalay sa tunay na babae at sa mga bakla.

Hindi kayo magiging tunay na babae sapagkat kami lang ang nakaranas ng buwanang dalaw na madalas nakakasira ng aura ng araw. Kami lang ang nagbibitbit ng bata sa tiyan sa loob ng siyam na buwan. Kami lang ang nagsisilang ng sanggol na naglalagay ng isa naming paa sa hukay ng libingan.

May mga natural na proseso na dinaranas ang isang babae na kailanmay hindi magagawa ng mga bakla. Kaya kahit anong gawin nyo, hindi kayo maging katulad namin. Maaaring mas umangat kayo sa amin sa halos napakaraming aspeto ng lipunan ngunit hindi nyo mababago ang katotohanan na kayo ay fan lamang.

OO fan lamang namin kayo na pilit ginagaya ang imahe namin ngunit di niyo magagaya ang katauhan namin. Magkapalit man ang lupa at langit ng disposisyon sa mundong ito, hindi nyo maikakaila ang katotohanan na kami ang tunay at nagtatag ng mga tunay at makataong pamantayan ng mga bagay na tunay na ginagawa ng mga kababaihan.

Ngunit sa likod ng lahat ng aking obserbasyon ay di ko na maibabalik ang mga nangyayari ngayon. Kailangan ko lang ay mapag-aralan ko na tanggapin ko ang presensya nyo sa lipunang ito. Na kung tutuusin ay napataob nyo na ang halos karamihan sa kababaihan sa maraming larangan. Hindi maitatago ang kagalingan nyo sa larangang tinatahak ninyo.

Marahil sa paglipas ng panahon ay matatanggap ko rin na may fans ako na kasing adik nyo na pati ang imahe ko ay ginaya nyo. Sanay turuan ako ng panahon na intindihin ang mga bagay na inyong ginagawa at matutunan ko ang diskarte niyo upang makagawa ng mas mabuting hakbang para sa pakinabang sa parehong karera ng bakla at kababaihan. Isang hakbang para sa pagbabago na magbibigay ng kaayaayang resulta sa nalalapit na hinaharap.

Matutunan ko rin ang mamuhay nang may fan na pilit akong ginagaya, na halos ibuhis at isakripisyo na ang sariling karera makuha ang lang ang nais ang maging isang ganap na babae kahit sa anyo man lang. Tanggalin man ang pagiging bakla ay pihadong magagawa ng isang tao ang kanyang talento sa pagkat ito ay natutunan simula sa pagsibol ng kanyang kaisipan hanggang sa pamamahinga at pagbawi ng kanyang hiniram na kaluluwa.

MInsan aking nasaisip kung bakit ko dinidscriminate ang mga tulad niyo na may napakalaking naambag sa lipunan lalo na sa pagpapaganda. Kung di na lang ako manahimik at hintayin na lang ang mga pagbabagong aking hinihintay na mangyayri pagkatapos na magising ang kahat sa himbing ng panlilinlang naningning ng bantayog sa karera ng buhay.

Ngunit tila hindi na mangyayari iyon sapagkat ang lahat ay tanggap na ang mga pagbabagong hindi inaasahan. Kaya imbis na magreklamo at magpahaging ng mga hinanakit ay makisabay na lang sa agos ng panahon. Sa gitna ng paghihimutok, nasabi ko, wag na lang kaya


Ang kathang ito ay nilikha hindi para ibaba ang dignidad ng mga bakla. Hindi rin para idiscriminate ang mga bakla, kundi upang maiparating ang kunting saloobin tungkol sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Upang pantay pantay na makuha ng kababaihan at mga bakla ang respeto na tila inaalis ng mga iilan na walang pagmamahal sa sarili.


PEACE SA LAHAT!!!
SALAMAT SA PAGBASA,

elise

umikot ang mundo ko para sayo
kung ibig mo ay sa iyo lang ako
paglisan moy ikalulungkot ko
wag mong kalimutan itigil pag-ikot ko

paghinto ay di ko alam
sana ituro mo bago ka lumisan
para na rin sa iyong kapakanan
ng di ka maabala kalaunan

nagkahalaga itong buhay
ng mahawakan ng malambot mong kamay
pagsisilihan ka ng buong-buo
hanggat akoy kailangan mo

wag mo ring kaliumtan
ako sanay alagaan
paliguan rin paminsan-minsan
akoy nadudumihan din naman

patawad kung ikay naiinitan
pagkabrown-out sa kabahayan
pagkat akoy di kuryente lang
at di makinang electric fan

Pwede ba?



uha! uha! uhah!
pagkapanganak pa lang, nakikita na sa akin ang kahinaan na taglay ng isang nilalang na napapabilang sa amin. Sa bawat uha ay nababatid ang pagiging mahinhin, mahiyain, at malambot na personalidad bilang bahagi sa lipunan na lakas ang batayan at tapang ang pinagbabasihan upang ,makamtan ang paggalang na pinakaaasam.


Kahit nung ako ay natuto ng magsalita at makisalamuha sa kapwa. Maynika at bahay-bahayan ang unang pinalaro sa akin. Kapag ka si itay ay papanhik nang bukirin upang mamitas ng sariwang gulay o ang gumala sa parang para manood ng mga ibong naghaharutan sa himpapawid, si kuya lagi ang kasama. "Bakit?", ang tanong ko kay itay, simpleng ngiti at ginugulo pa ang buhok ko nang sabihin niyang,"hindi ka bagay doon, di mo magugustuhan ang pumunta dun,sapagkat madudumihan lamang ang maganda mong damit. Dito ka na lang sa bahay, tulungan mo na lang si nanay na magluto upang may makain tayo pag-uwi namin ni kuya mo."
Sobra naman itong si tatay, alam na kaagad kung magugustuhan ko o hindi ang pagpunta sa parang. Hindi nya siguro alam na nun pa ma'y gusto ko nang maglakbay sa mga parang at umakyat sa mga bundok. Isa din akong adventurera.


Pagbalibaligtarin man ang mundo, hindi maikakaila na kahit anong tapang namin, may isang bahagi sa pagkatao namin na malambot, iyon ay ang mga puso namin. Sa kabila ng bawat nagmamatapang na mukha ko ay ang isang malambot na parte ng pagkatao ko.

Ang parte na madaling umangal sa tuwing nakikitang may inaabusong kapwa sa lipunan. Na siyang madalas kinanaiinisan ng iba dahil masyado lamang sensitibo at wala namang mapapala kapag ka nagreklamo sapagkat madalas, ang reklamo ng kababaihan sa lipunan ay di pinapakinggan at ipinagsasawalang bahala.

Ang parte na madalas sabihing maarte sapagkat napakaraming alam na kapritsuhan na nais gawin ng iilan. Halos sa lahat ng mga bagay ay makikita namin ang mga detalye na kinakailangan upang lalong maging kaaya-aya tingnan lamang.

Ang parte na madalas nagiging dahilan kung bakit sinasabihan kami nang malambot at hindi marunong lumaban. Ang parte kung saan, kahit na ano pa man ang gagawin sa amin ay naririyan at lumalaban kahit nahihirapan. Na sa kabila ng karahasan ay marunong magpatawad sa gitna ng laban at magmahal ng walang kapalit na inaasahan.

Ang pusong nagtatanong paminsanminsan kung bakit ang baba ng tingin nila sa mga kababaihan. Kung bakit tila hindi kami iginagalang. Dahil ba kami ay babae lamang? OO nga at napakaraming mga bagay ang inyong nagagawa na hindi namin nakakayanan, sapat na ba ang mga iyon upang kami ay aba kung ituring?

Kung may mga bagay na panglalaki lamang, may mga bagay na pambabae lamang. Kaya kahit magkaiba ang ginagampanan natin sa lipunan ay tiyak na pareho ang dahilan.
Ang umangat sa karamihan at igalang tulad ng iilan.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon maganda ang mas angat na antas sa lipunan. Ngunit ayaw mo ba ng kunting galang? Kunting galang na babaunin hanggang sa libingan. Galang na nakasulat sa kasaysayan ng buhay ng bawat isa, higit sa kayamanan, pag-aaring walang kapantay

February 17, 2011

pwede bang pahiram muna?

pahiram muna?


"lahat ng itinanim, mataba man o hindi, pagdating ng tamang panahon, aanihin ng may-ari, sa ayaw at gusto ng mga mag-aani."


Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Tumatandad na si ama, ang dating malalakas na tuhod na humahabol sa akin tuwing tatakbo ako kung saan ay nanghihina na. Wala nang magawa si ama kundi ang panoorin ako habang naglalaro.

Ang katawang kanyang pinagmamalaki noon ay tila lantang gulay na. Nanunuyo at may bahid ng kalungkutan. Kalungkutan sapagkat hindi niya alam kung sino na ang titingin sa kanyang pinakamamahal na munting supling.

Ganun nga talaga ang buhay. Lahat lumilipas, walang bagong di naluluma, lahat ng malalakas manghihina rin. Ika nga gaano man katigas ang bato, sa mumunting patak ay naaagnas. Si ama, malapit ng anihin ng nagtanim sa kanya dito sa mundong ito. Unti-unti na siyang iginugupo ng mga sakit na dati ay malayo mong isipin na mararamdaman niya. Madalas na siyang nahihirapan huminga, sumasakit ang kung ano-anung bahagi ng katawan niya.

Pero sa gitna ng mga pangyayaring ito, ay ang mga puso na isang saglit ay naging sakim, sakim dahil nais nilang magdamot. Nais nilang ipagdamot kay ama at sa kanyang may-ari ang pagkakaisa ulit. Sakim man, hindi nila matanggap sa kanilang musmos na mga puso ang paglayo ng kanilang pinakamamahal na ama.
Ayaw nilang mawalay sa kanila ang taong nagturo sa kanila na tumayo dito sa mundong ibabaw, may yaman man o wala. Sapagakat ang bawat isa ay pinagtibay ng pananampalataya at pananalig sa lumikha. Sapagkat anng lahat ng kanyang nilikha ay isang obra na may natatanging katangian na kailan may walang makakapantay. Sa pagkat lahat ay ginawa ng may pagkakaiba.

Ang tapang ko marahil kung masasabi ko ang lahat ng ito ngayon ng tuwid at walang bahid ng pagdaramdam at hinanakit. Hindi, tao lang ako na kailan may hindi naging at magiging perpekto sa mata ng tao at sa hibla ng bawat tadhana ng bawat isa, dahil hindi Niya tayo ginawa para maging kapantay niya. Ginawa Niya tayo kawangis Niya at at para magsilbi sa kanya kapalit ng isang maginhawang buhay dito sa mundong ibabaw.

Kung totoo ang balat sibuyas at plastik na tao marahil isa na ako roon. Buong galak kong pinupuri anng Maykapal sa aking mga sulat gayong sa loob loob ko ay may mga tanong na nagnanais ng malalim na mga sagot. Alam kong kasalanan ang pagdudahan ang kabanalan ng Poong Maykapal. Pero hindi ko maiaalis sa aking mapangahas na isipan, ang mga "bakit" na naghahanap ng mga kaliwanagan.

Masakit ang hampas ng katotohanan. Madaling sabihin ang pagtanggap nung hindi pa ako ang nasa sitwasyon. Madalas sinasabi ko sa mga kakilala ko na tanggapin na lang ang katotohanan para wala ng ingay at gulo. Hindi ko mahanap ang dahilan noon kung bakit may mga taong hindi matanggap ang katotohanan.

Tama sila, pag ikaw ang nasa loob ng puzzle hindi mo alam kung pano lalabas at pano ianalisa ang bawat liko na iyong tatahakin. Samantalang iyong mga nasa labas ay malayang makakapag-isip kung pano mahahanap ang solusyon.

Walang problema sa akin, maluwag kong tatanggapin sa puso ko ang mga bagay na mawawala sa akin. Alam kong darating ang araw na tulad nito, kung saan isa isa mong kukunin ang mga mahahalaga sa akin. Una ang pinakamamahal kong lolo, sumunod ang mga pinsan ko na maaga pay kinuha mo na. Kung paano ko natutunan na tanggapin ang paglisan nila sa buhay ko ay ganun ko rin pag-aaralan ang paglisan ng mga susunod.

Pero nakikiusap ako, wag muna si ama. Buong buhay ko ginugol ko sa iba pang mga bagay. Sa pag-aaral ko na umagaw sa mga panahon na sanay magkasama kaming dalawa ni ama. OO napakaraming biyaya at tagumpay ang naranasan ko sa panahon ng aking pag-aaral. Marami-rami rin akong naipanalong mga paligsahan kapag utak ang pinag-uusapan. Tinuruan niya ako kung paano hasain ang utak ko. Tinuruan niya akong lumaban sa buhay. Pero hindi ako lumaban kasama siya. Nagpadaig ako sa sarili kong kagustuhan. Ninais kong mamuhay mag-isa.

Nung hindi niya na ako kayang pag-aralin, umalis ako ng bahay. Nung panahong nag-uumpisa ng nababawasan ang lakas niyang taglay ay iniwan ko siya at nagbanat ako ng boto para sa sarili ko. Marahil nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko man lang binalak na umuwi para dalawin siya. Iilang beses niya na rin akong inalok na umuwi para magkasama naman kami ngayong hindi na ako nag-aaral para mabawi namin ang mga hindi namin nagawa nung nga-aaral pa ko. Ang mamangka, mamingwit, manguha ng prutas, at marami pa. Ngunit tumanggi ako, ang dahilan, nag-iipon ako para makapag-aral. Napag-isip-isip ko, di kaya siya nainsulto, dahil parang pinapamukha ko pa sa kanya na hidi niya ako kayang pag-aralin.

Napakarami kong pagkakamali sa buhay, ngunit siya lang ang bukod tanging tumanggap sa akin ng walang reklamo na maririnig. Bagamat, tinulungan niya pa akong bumangon.

Hindi ko ipinagkakanulo ang nagampanan sa akin ni ina. Siya man ay napakalaki ang itinulong upang mabuo ko kung sino man ako ngayon.

Ngunit bakit ganun? Bakit parang napakaaga naman yata. Marami pa kaming hindi nagawa ni ama. Napakaraming nasayang noon. Alam ko, lahat may pangalawang pagkakataon. Ayokong pangunahan Ka sa anumang desisyong gagawin Mo. Pero nakikiusap ako, wag muna Ama. Nagmamakaawa ako, hindi ko pa kayang bitawan si ama sa buhay ko. Kailangan ko pa siya.

Kay tagal na namuhay ako na walang kuya. Isa sa pangarap ko na magkaroon ng kuya ngunit alam kong hindi mangyayari iyon sapagkat ako ang panganay. Simulat sapol, si ama na ang itinuring kong lalaki ng buhay ko. Marami pa akong gustong sabihin kay ama. Sa kanya ko unang sinabi nung nagkaboypren ako, at gusto ko, sa kanila ko rin unang sasabihin paghaharap na ako sa altar.

Tila nagkamali ako sa aking mga basa sa aking magiging buhay sa hinaharap. Dahil kaakibat ng paglisan ko sa bahay upang maitaguyod ang pansarili kong kapakanan, ay ang responsibilidad na pilit ko mang itinatanggi ay tila buntot na sumusonod sakin. Hindi man nila sabihin ay alam kong umaasa din skin ang mga kapatid ko upang sila man ay makapag-aral. Sayang, sana di na ako umalis upang nagkasama pa kami ng matagal ni ama. Disin sanay natugunan ko ang mga puwang ng aming samahan na iniwan kong blangko noon.

Lahat may pangalawang pagkakataon.

Nagmamakaawa ako, huwag po muna. Ipahiram nyo po muna sa akin si ama. Nakikiusap ako ng pangalawang pagkakataon. Buong puso ko pong hinihingi sa inyo ang buhay niya. Panginoon, pahiram po muna ng buhay niya. Kung ok lang.

February 15, 2011

rejection

rejection? its fine
im used to it
im fine, alright
i always show
a smile with glow
to make them know

left alone in this empty room
staring the moon in the window
letting my tears flow
to cast away the sorrow

didn't need my company
they wont like me anyway
im boring as anyone can be
a dull quite lady

listening to the radio again
no one to share my pain
they left me feeling insane
self-pity as if always in vain

someday they'll come back
wanting me to share their sadness
sympathy for their grieve
and they would never leave

but can it be fast
'coz i may never last
i might feel tired
being alone and cry

February 13, 2011

missing you, but i cant say so...

walking alone
wandering home
but nowhere to go
do you still care
you got a lover here


staring the cellphone
wishing it would ring soon
"hello" , "how r u"
how sad i expect it though
you might care to text too

a whirlwind affair
trying to threw somewhere
but it still linger
lost in the game we're playing
would you mind me saving
this crazy loving feeling

February 11, 2011

be back, i just wanna say thank you

remembering those nights
when you sit by my side
counting the stars in the sky
laughing for no reason why

those walks in the streets
chasing for the butterflies
while your watching behind
i just run having fun

fixing the fence in the garden
watering flowers every now and then
running with dogie in the hall
when mother at lunch, called

pasting my kite
letting it fly so high
couldn't help to mesmerize
only if i could ride

but yesterdays gone
don't know what I've done
i really cant remember
have i let you know i care

lonely bear

Sitting by the corner
just stroking the chair
listening the crowd talks
smiling with their jokes

just looking around
didn't want to be found
don't want them to ask me
and know my mystery

'till you pop out behind
trying to knock me on ground
wearing your very warm smile
makes me blink for a while

you're talking so free
as if you already knew me
oh how would it be
i wanted you beside me

my world started to light
when you came to my life
i felt i do belong
having someone to come along

but now you're gone
you've left me behind
just leaving me alone
in this crowded room


i'll be back in the corner
to accompany my chair
waiting till you come
to bring back the warmth.

February 10, 2011

Tanong:Tumawa Ka Ba?

Matagak ko ng pinag-iisipan ang tanong na ito.Marami ang natatawa at napapailing pagtinatanong ko ito. Iyong iba naman, naiinis at binabato pabalik sa akin ang tanong. Pag-tinanong kita, sana maging totoo ka. Sana huwag mong palitan iyong una mong sagot. Handa ka na ba? Madali lang ito, pramis. Di ko pa natatapos yung tanong, tiyak may sagot ka na kaagad, ikaw pa. Ito na iyon, wag ka tumawa agad ha.Alam ko ngingiti ka, di mo mapipigilan ngumiti, alam ko iyon.

Huwag mo gawin makitid ang utak mo.Isang sipleng tanong lang. MAdali lang ang sagot, may consequences depende sa kung ano at kung paano ka sumagot. Huwag mo ring isipin gandahan o pag-isipan ang isasagot mo. Gusto ko yung natural lang. Iyong kung ano lang ang unang pumasok sa isip mo. Opps, hindi to maharot na tanong ha. Oh ayan napangiti ka na naman. Ganyan lang, yan ang gusto ko, yung tipong COOL.

Ay, patawad, nasa pagatlong talata na tayo, di ko pa nasasabi ang tanong. Ikaw kasi, ngiti ka ng ngiti, naaaliw tuloy akong bolahin ka. Ang cute mo pa naman pag ngumiti. Ngiti ka nga ulit. Ay tumawa ka na eh. Siguro iniisip mo baliw ang sumusulat nitong binabasa mo ano? Ikaw ha, huwag ganyan, pagbaliw ang sumusulat, kabaliwan ang sinusulat nun,at nababaliw din ang nagbabasa. Gusto mo ba mabaliw? Hindi malamang. Kaya isipin mo na lang, gusto ko lang ihanda ka sa itatanong ko.

Pramis ito na iyon. Sa dulo ng talata na ito. Opps huwag ka lilingon sa katabi mo ha, malamang, kung nakikibasa iyan, pinagtatawanan ka na niyan. O di naman kaya ay nakikingiti din iyan. Ang tanong ko ay tungkol sa atin. May kasama ka ba? Tiyak hindi mo gugustuhin na may kasama ka pag tinanaong na kita. Dahil ayaw mong malaman nila ang isasagot mo sa tanong na,

"Sinong bobo sa atin?"

Opps,,,, COOL ka lang sa sagot mo. Susubukan kong hulaan iyan. Itoy nakaayon sa aking obserbasyon sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga taong nakakasakay ko sa dyip, sa mga nakakasalubong ko sa mall, at sa lahat ng taong nakita ko na, sa panaginip at sa totoong buhay.

Kaya mahigpit kong pinapaalalahanan ang sino man na huwag gayahin ang mga sumusunod sapagkat ito ay ginagawa ng mga eksperto lamang.

1. Sigurado ako na napangiti ka sa tanong ko. Malamang sinabi mo na, "yun lang?". Pag ganyan ang sagot mo, normal ion sa mga taong nakatikim na ng kulangot. O wag na itanggi, totoo naman. Maalat diba?

2. Kung pagkabasa mo ay lumingon ka kaagad sa katabi mo, isa lang ibig sabihin nun. Ayaw mong amining iniisip mong bobo siya, kaya hanggang tingin ka na lang.

Huwag ka tumawa, iniisip mo bobo katabi mo.

3. Kung napamura ka pagkabasa mo sa tanong. Ay naku bato bato sa langit ang tinamaan, di marunong umilag. Alam ko kung ano nilalaro mo pagkabukas pa lang ng pc mo. (no offense on online games) Ok lang yun, kasama yun sa paglaki ng mga taong kagaya mo. Ang magmura at mamura.

4. Kung sinabi mo ang salitang "ikaw". Aba maghunustili ka, papunta sa akin iyon. Kung bobo ako, kabobohan ang sinusulat ko at bobo rin ang nagbabasa. Oh eh di bumalik din sayo, welcome to bobo world.

5. KUng nagbanggit ka ng pangalan bilang sagot mo sa tanong, bilisan mo na ang pagbabasa mo. Kung nariyan lang sa tabi mo ang binanggit mong pangalan, nakku, mag-ingat ka. Baka masapak ka niyan. Ngingiti lang iyan, pero naiinis na iyan.

Kung wala kang reaksiyon sa tanong dahil takot ka sa magiging outcome o sa mga consequences, malamang ang boring ng buhay mo. Subukan mo rin kasi tuikim ng kulangot paminsan-minsan, ang sarap kaya nun. It adds color to your life. Everytime na maalala mong ginawa mo iyon, tiyak mapapangiti ka. At least meron ka ng masayang maaalala pag-nag-iisa ka lang.

Pero kung wala ka talagang reaksyon sa kabuuan ng binasa mo. Kung hindi ka man lang napangiti, maaari ka nang magpatingin sa espesyalista. Normal ka pa ba? Pagkat normal sa amin ang tumawa sa mga walang kwentang bagay. Pagkat parte yun ng buhay.

Sa ibinato kong tanong, wala akong balak patamaan o tumbukin.

Nais ko lang ipahayag ang realidad na simpleng nagaganap sa buhay ng mga simpleng mamamayan. Simpleng realidad na maaaring nakaapekto sa takbo ng buhay ng bawat simpleng tao na madalas kinaiinggitan ng iilan. Iilan na masyadong abala sa lipunan, at wala ng panahon sa mga simpleng bagay na tunay na magmamarka sa kabuuan ng pagkatao ng simple at masayang nilalang.

Lets Get Contented

Being a traveler is not a hard hobby. It was not just looking for the hidden paradise this country has. Traveling was not just meant for the pleasurable purposes.Traveling do not just include beaches, cliff, mountains, falls, and so much more exotic exciting sites.

It is to see every abstract thing that every site bear. Only a few travelers travel into remote and squatters area. Who would travel in a muddy and odorous areas to see whats happening in a very simple life of squatters family.

Behind tall buildings and big malls surrounding our country, are the crowded houses scattered in the remote areas. With thin and rusted roof, hardened papers as their walls and an empty rice box. A couple with three siblings dwells in poverty and struggles to live life as easy as they can.

Every morning, before anything else, they would fetch water first.Five pesos for every 2 containers. A budgeted water for the laundry, for taking a bath, for dishes, and for all domestic use. Thirty pesos for a container of safe water, potable enough to substitute for every meal they've missed.

After an early breakfast, all members of the family gotta get a job even just for that day, to survive for the next. No one goes to school. Only some lucky ones goes to school, but would immediately stop in middle high school or even without graduating elementary because of poverty. The father and the mother tries to sell something eatable delicacies in the street, joining the busy crowd to look for some food. To compete with other vendors in the street too.

While the elders are busy hunting for coins to buy some foods, the children are giggling in the streets playing innocently. In their smile, you can see happiness without any hesitations and worries. They are contented with their life. Their feet, barely ran the roads, under the scorching heat of the sun. Smiles that warm every sorrowed heart. Giggles that touches every heart.

As the sun rises, all of the kids and tired elders, get to sleep. Rest to acquire energy for the next tiresome job. The streets leaved alone. With few plastics and candy wrappers. There were also some slippers without its pair, maybe the owner had leave it when his/her mother called him/her for a sleep.


By three in the afternoon, everybody back to work, the children will play again in the streets. Some are enjoying some snacks and some are just playing. Like a trade fair, there are many booths. There are selling snacks, juices, syrup coated bananas, Filipino delicacies and any home made snacks.

As the darkness closes in, slowly the number of children generates. It was there favorite play time. No sun to touch their skin, more people passing by, more fun. They will run and play until 10:00 in the night. After a tiresome game, they'll go home hungry. Sharing the food that their parents generates through the day. Eating happily with dried fish and smoked fish, contently.

They will sleep with smile in their lips. Waiting for the tomorrow to come for another fun games.

That is how simple life is. They live without any too high ambitions and dreams. Living everyday to the fullest.A life without big debts to pay and a life not sure of tomorrow. Well whatever comes tomorrow, that's another page of life. To be opened tomorrow and to be solved tomorrow. A life of less aims, less frustrations and more happiness. Real happiness.#

complain letter


Never before published writer..

Of course before anything else, this letter should start in a greeting. A sweet smile, with my teeth hidden and a sparkling eyes wanna welcome you to this complain letter. I am a dreamer, dreaming to be a proficient writer that could knock your thoughts. A writer that can introduce you new profound thoughts and insights that might serve better for the benefits of everybody.

At this time you make me one paragraph more popular than before, thank you for reading. As you continue, I am telling you again, I am dreaming to be a writer, who write articles, submit it to the publishing houses that will scan your articles and filter it with only bone and skin left and more of those things.

Oh my gosh!! How will i get published when i got no any journalism degree yet. But i'm sure that my teacher taught me the right thing to write .
I was born with my father as a farmer and my mother as household keeper.Amidst poverty,I still dreamed to get to my dream, I also wanted to learn what my classmates are learning right now as I was working while they are in college studying will soon get their degrees.

I wrote articles since then, since I was a kid in elementary, my teacher appreciated my "well versed" article according to my teacher. That inspires me a lot to join the school paper writers team during my junior and senior days in my high school life. I won some contest, I join most workshop and i wrote everything that pops on my mind. No ideas were trashed, everything were saved, even the drafts are folded well and kept in a sealed box protecting it from any harmful things that could liter it.

I don't know about this writing institutions why they always reject my articles.Why even a simple note or remark regarding the articles I have submitted they cant send back to me, or even email me that i write a weak article. Well, who am i for their attention, right?

I have nothing to say, thus, the scenario simply means I never wrote an eye catching lead that in the first place make them throw my paper in the shining metal trash bin in their office, and that's why they cant return my paper back to me. It means to say that I need to write and practice even more, get more eye bugs while editing my notes, sleep late more, imitate more styles but don't ever plagiarized those articles i have read. In this case I need more assistance and help in building a strong structured articles for me to catch their choosy eyes and put them into five to ten minutes reading my article.

Your almost at the bottom of this letter, and I catch your attention, right? They say " if you cant beat them, join them". And i should believe them, I wont try to beat you anyway, I just need your help for me to write just like you. It would be a great honor for me to received your tips and words regarding on article writing or should I say journalism.

I want to write better just like you. I want to follow the stars you are following, I want to read those things you have read.

Even some old unused books from you will do. You may not know me even by my name. But Im an avid fan of your magazine. It's just because I haven't got any good job yet to subscribed to your magazine.

I am not studying due to financial problem, but I madly in love with writing and reading articles.

At the end this is not a complain letter, but a letter from a hopeful writer who seeks your help. A writer from Mindanao, Philippines in which they thought a downed place where inhabitants are no good people,less educated and ignorant, in an instance I also wanted to raise my folks from discrimination.Mindanao is worth living. A paradise hides behind its green forest.

I cant and I wont join those rallies in the streets just to shout out my needs of education. Those words "bisaya ka kasi" will never bring me down.I know by my hands I can pursue my education without making any scandals in the street. For I believed in the quotes
"A point of a pen is powerful than a point of a gun.".


I already caught your attention, I know as you read this quotes.Now I'm a writer for I already catch attentions, and you are the first. I'm hoping that you'll help me to catch more attentions.

Deep inside of me, from the bottom of my heart, I thank you for reading this letter sir/ma'am. At this moment I pray for more blessings of your company and family. Thank you and once again i seek for your help, even a simple tip, note or word to come back to me is an honor and will inspire me to write even more and work harder to achieve my dream, to write just like you.#

Usapang Kairo Muna tayo.......

Lahat tau may kanya kanyang katangian. Lahat ipinanganak na iba sa bawat isa. Bawat buhay ay may bawat disenyo na sadyang iba sa bawat kapwa na ating naka- at makakasalamuha. Huwag kang magtaka kung ikaw ay nag-uulam ngayon ng tuyo samantalang ang iyong kapitbahay ay nagtitiis na lang sa nilagang baka at chicken macaroni salad. Ganyan talaga ang buhay, dahil hindi kau ipinangank na magkakaparehas ng distinasyon sa buhay. Kung ang lahat ay ipapanganak na mayaman, sino na ang magbubungkal ng lupa para may mabili tayong bigas? Wala di ba. Sapagkat ang buhay ay isang malaking ecosystem kung saan ang lahat aynagkakarugtong. Hindi pwedeng mawala ni ang pinakamaliit na bahagi ng sistema. KUng hindi ay magiging imbalance ang sistema. HIndi naman sinasabing msama ang mangghusga ng kapwa mo tao, ngunit sadyang hindi lang talaga siya maganda sa paningin ng Poong Maykapal, sapagkat kung pano mo hinusgahan ang kapitbahay mo ay sa gayong paraan ka rin huhusgahan ng langit na darating sa panahong hindi natin alam. Kaya tayong nilalang ay nararapat na maging laging handa sa pagdating ng paghuhukom, tayoy nararapat na magbantay umaga at gabi, sapagkat itoy darating tulad ng magnanakaw, daating hindi mo inaasahan, sapagkat binabantayan niya ang bawat kilos mo't galaw. Napapansin ko sa bawat umaga tuwing nakatayo ako sa may pinto ng tindahang aking binabantayan, napakaraming dumaraan. Lahat may kanya-kanyang istilo sa paglakad. iyong iba, parang hinahabol ng kung anong multo na kung maglakad ay tila lumilipad na. Nakayuko at abala sa pag-aasikaso ng kung anu-ano sa katawan niya, tulad ng pag-aayos ng butones, pagsusuklay, at pagkakalikot sa dalang bag. Naghahanap ng kung anu-ano. Iyong iba naman, tila binibilang pa ang bawat hakbang. Tinatandaan ang bawat kalyeng nadadaanan. Simple lang ang buhay, walang bahid ng lungkot sa mukha. NI hindi mo makikita kung may bakas man ng problema at pag-aalinlangan. Kung meron man, iyon ay natatabunan ng matamis na ngiti sa mga labi na sumisilay tuwing nakasalubong ng kakilala sa daan. Iyong iba naman, nakayuko lang, tila kay lalim ng iniisip at napakalaki ng problema. Parang nagdadalawang isip kung hahakbang o hindi. Parang babalik na lang o tutuloy na. Bahala na si batman, o kung sino pa pamang superhero. Nag-iisip, naiiling at tila iiyak na sa dami ng iniisip. Napapakamot sa ulo, wala namang kuto. Iyong iba may kasama sa paglalakad at tuwang tuwa habang nagkukwentuhan. Tinatahak ang landas ng may kasama. Myroon ding naglalakad ng may kasama ngunit tila hindi naman kilala ang kasama niya. Ni hindi sila nag-uusap. Malungkot ang mukha ng bawat isa. Maraming naglalakad ng nag-iisa. masaya kahit walang kasama, kasi alam ang patutunguhan niya. Alam niya ang direksyon ng landas na tinatahak niya. Samantalang iyong iba ay palingon-lingon pa, tila naghahanap ng makakasama. Nagbabakasali na may makitang kakilala at maalok na masamahan siya sa pagtahak niya ng landas niya. Tunay na iba-iba ang landas ng bawat nilalang. kadugo mo man o kakilala lang, hindi maaaring ang inyong landas ay magkakapareha. Kanya kanyang disesyon, ibat-ibang patutunguhan. Nasa disesyon lang yan, at sa tiwala sa KANYA. gawin mo ang itong makakaya, ang iba ay sa KANYA na. itutuloy.......

Sa May Baryo Flash


Ang baryo flash.Kulob na munting palaruan..
Minsan malamig, minsan mainit.
Madalas mainit.


Pinamumunuan ito ni Ate Berlyn at Kuya George.
Mayroon silang nag-isang anak, si Gian.


Paminsan-minsan lang sila napapagawi sa baryo flash..
Abala sila sa iba pa nilang negosyo.


Ang naiiwan na taga-bantay ng baryo ay si ate jonafe.
Mas kilala na ate inday at ate flash.

May pagkamasungit si ate flash, paminsan-minsan lang nangiti.

Kung walang dapat ngitian, hindi rin ngumingiti.

Maraming nasasakupan ang baryo flash, at marami pang nais mapabilang sa baryo.
Ang mga napapabilang sa aktibong naglalaro sa baryo flash ay tumatanggap ng mga pribelihiyo, isa na roon ang pahintulot na makadalo sa piging ng pasasalamat sa mga aktibong naglalaro..

Madalas makakuha ng award si George.
Sya ang pinakaaktibo, kapangalan niya ang namumuno sa baryo.
Kahit pinapalayas na siya ay sige pa rin siya sa paglalaro.

Minsan ng dalhin ng nanay niya ang kanyang mga damit sa palaruan ng flash,
ngunit pinalipas niya lang ang galit ng nanay niya at ito na naman siya, naglalaro ulit.
Heroes of Newerth ang madalas niyang laruin, kalaro niya si Paul, adik rin sa HoN.
Kahit minsan nakakaligtaang tingnan ang nakababata niyang kapatid ay sige pa rin sa laro. Umaga, hapon, gabi, hanggang sa maubos ang huling barya.
Meron silang apprentice, sina Win2x, Mac2x, Ming, Mj at Edison.
Sila ang tinuturuan nila upang maging susunod na imba sa larong HoN.


May kapatid si king na naglalaro rin sa baryo, si Raja, ngunit Special Force ang nilalaro nito.

May dalawa pang kapatid si Paul na madalas rin sa baryo flash. Si David, ang makulit at maingay sa lahat..Lahat kaibigan niya sa kanyang walang katapusang bungisngis. Kasama niyang naglalaro sina Mark, ang batang takot na mahuli ng tatay niya na naglalaro siya ng girly games sa y8.com., si Keila, ang mahilig makinig ng "Telephone" ni Lady Gaga, manggaya ng laro ng iba at maglaro sa y8.com ng mga kung ano-anung maisipan niya, si Ron2x, mahilig makinig sa youtube.com ng mga rap ni Jbobo at Francis Fagalona, minsan napapasabay pa talaga siya sa ganda ng kanta, si Taroroy, ang alaskador sa lahat ng mga bata, pati matatanda ay pinapatulan, lumalaban kahit murahan, si Macoy, ang pinsan ni taroroy, ang madalas tumambay sa baryo na nakikipinddot sa ibang naglalaro.

May isa pang kapatid si Paul, si Pj.
Ang bakla na mahilig makinig ng kanta ni Lady Gaga.
Siya ang humawa kay Keila sa pag-idolo kay Lady Gaga.Siya iyong baklang mahilig maglaro ng Heroes of Newerth at Dota. Medyo malapit kay ate flash si Pj, madalas nilang pinagkukwentuhan si lady gaga, mga korean icons, at mga crush ni pj. MAraming kaibigan si pj sa baryo flash. Isa na run si Gino, ang matangkad na payat, mahilig kumanta at medyo maganda rin ang boses, madalas mo siyang makitang kumakain ng lolipop, si Jelyn, ang nakasalamin at mahilig din kumanta, ngunit hindi masabi kung maganda ba ang boses, si april, ang masungit na medyo cute din.


Kalaro ni Jelyn(ang hikaing kaibigan ni PJ) sina Paul John, ang payat na kaibigan ng lahat ng lalaking kaedad niya dahil sa kanyang underdog profile, si Andrew ang papogi ng grupo, naglaylow nga lang siya sa laro nung dumating ang tatay at binigyan siya ng cellphone,

May tropa rin si pauljohn, sina , Frederick, si Hubert, si CJ, si JC at si Mawu.
Madalas nilang laruin ang Special Force, tuwing maraming allowance, nagteteam battle sila nina Jheniel, Pjeff, Ochoi, Toper, Nico, Edjan, Edong, Glen , Kent, Third, Ching2x, Jan2x mellow at Lhex, na pawang kaibigan ni Mawu.
Maingay ang laro, ngunit masaya sila pakinggan. Pagdating ng timeover, ang iba humihirit pa ng bonus time, iyong iba naman ay nagkakasya na lang sa paglalaro ng ninja saga sa facebook.


Si JC, pagnagsawa sa SF, crazy kart ang nilalaro. kasama niyang naglalaro ng crazy kart si Vincent.
Ang kuya ni JC, si kuya Keetz, madalas rin sa baryo flash.
Babaran rin kung maglaro. Adik rin kung baga. NBA naman nilalaro niya. Pagkaanjan ang tropa niya, tulad ni Jomarie, ni Jerwin, Operation 7 naman nilalaro nila.

Mayroon pa ring naglalaro ng lan games tulad nina Dodi, Ramboo, at MJ. Left 4 Dead naman laro nila.

Siyempre, marami rin magaganda sa baryo flash, tulad nina Krizha ang tropa niyang sina, Jessica at ang kapati nitong si Pamela, si Kakai, si NiƱa, si Cammille. .Anjan rin ang tropa ni Charise, na sina Rose, Eder,at Klariel.
Pati rin sina Crizen at Pauline at ang pinsan nitong sina Denise at Popay at ang kanilang tita Len2x na kachat ang asawa niyang nasa abroad.

Anjan rin ang magkaibigang Calvin at Edwin. Nung una ay umaayaw pa sila sa Larong HoN. Ngunit nung kalaunan ay naglaro na rin. Ayaw na parang gusto naman ang drama nitong dalawa.

May mga bago ring nais mapabilang sa baryo flash, tulad nina anthony, toto, videk, june, lester,melbert at ang kanilang tropa.

Liban sa mga bata ay marami ring mga bata na naglalaro sa flash, tulad nila ate belinda, si ate jessica, si ate teresa, sila yung mahilig magchat.

Nariyan rin siJohn at si Red kasama ni Joegrats,, iba rin laro nila, Myro naman.

May mga magkakasintahan rin na sabay pang naglalaro sa baryo flash tulad nina kuya Noua at ate Janice at ang mommy at daddy ni Ochoi, si ate Jane at kuya Rico.

Marami pang naglalaro sa baryo flash, hindi lang napapansin ung iba kasi madalang sa araw araw ang laro kaya medyo nakakalimutan ko na ung iba.

SIyempre, tulad ng ibang baryo,mayroon ding mga nababan, ung mga pasaway na sadyang makukulit. hindi na natin babanggitin pangalan nila, alam na nila un.

Masaya sa baryo flash, sigawan ng mga naglalaro, murahan na di maiiwasan, iringan sa laro na pinipersonal. Mga biruan, tawanan, at ang party na di ko malilimutan. Mga kakorneyhan, mga kabbohan kung minsan.

Minsan mayroon ding nakawan. Kahit limang piso kailangan mo bantayan kasi anjan si magna. May mga payong na nawawala, headset, psp, cp, at kung ano pa..
minsan minsan lang naman un eh...madalas pa rin ang saya..

Ang saya mapabilang sa Baryo Flash101.
Sino ako? Ako si ate Flash.
Lilisan na kasi ako kaya ginawan ko ng munting alaala ang aking mahal na Flash101.
Sana kayo ay nasiyahan. Pasensya na sa mga hindi nabanggit ang mga pangalan, akoy makakalimutin lamang. Sa mga alaalang akoy nasisiyahan,, babaunin ko saking paglisan. Salamat aking mga kaibigan. Auriviua....#

February 9, 2011

forget me not

walking alone
wandering home
but nowhere to go
do you still care
you got a lover here


staring the cellphone
wishing it would ring soon
"hello" , "how r u"
how sad i expect it though
you might care to text too

a whirlwind affair
trying to threw somewhere
but it still linger
lost in the game we're playing
would you mind me saving
this crazy loving feeling

What are you thinking

When the sun kisses you in the coldness of the morning while you're still lying in your bed alone, what are you thinking?

When the pink sky welcomes you in the morning as you open your eyes to start your day, what are you thinking?

When you pour the hot coffee in your mug, to warm your lonely soul in the kitchen, what are you thinking?

When the darkness of the night hugs you, what are you thinking?

Well i would like to share my thoughts about those things stated above..

Funny and sweet thoughts that might lighten up the heaviness your feeling right now. The love is in the air but still you haven't got your date...

Uh, uh uh...don't even try to deny it, but you really wanted to join the couples happily dating this love month. You would always tell your friends you dont like to celebrate the so called valentines day, but its not because you dont like, but it is because nobody invited you to a date, or you have no one to invite. Even if you got someone you like to, your not sure if he/she will accept what your thinking.

Me, I just told myself that there's a lot in here loving me.

When the sun kisses me in the coldness of my morning, oh my,how sweet the sun is/was to me. Ever since I got here on earth, he had been kissing me good morning. Sometimes he just cant, of course he got a rival kissing me every day, its the clouds that wanted to watch and hug me the whole day. I cant choose which of them i like the most since i really love the suns kisses every morning, while i do also love the coldness and shade that the clouds gave me.

When the pink sky welcomes me in the morning, how romantic the world is to me. Making me start my day with a big smile feeling candid. It would be a great start with the pink sky to smile at as I open my eyes.

When in my kitchen, while pouring the hot coffee into my mug, an exciting feeling. When your alone and your soul is feeling lonely and coldness embraces you, well its great to have something that will give warmth to your soul. While the coffee relaxes you and accompany you, it will not ask something as collateral, it will just give its warmth without saying anything. Like a person, dont let it wait, or else it will get cold.

When the darkness of the night embraces me before I sleep, I felt secured. When the night comes, it got its patrons. The stars, the moon and calming breeze that would surely sooth your stress from the days work. The calming breeze that seems like singing you to sleep, the darkness that hugs you until you wake up, the stars and the moon above that will guard you while your having your sweetest dreams. ODK as in Oh Diyos Ko...

What a sweet moment with the worlds free treats. As what they have said, great things are free. So to all of us who ain't got a date this love month, dont feel bitter with it. Its alright, lets all enjoy those nature treats this time. Coz nice things comes in right time, right place. Aja......#