May 25, 2012

Lying? When?



A minister told his congregation, "Next week I plan to preach about the sin of lying. To help you understand my sermon, I want you all to read Mark 17."

The following Sunday, as he prepared to deliver his sermon, the minister asked for a show of hands. He wanted to know how many had read Mark 17.

Every hand went up.
The minister smiled and said, "Mark has only 16 chapters. I will now proceed with my sermon on the sin of lying."


..........NOTE......
           (for me)

Ang pagsisinungaling ay kasalanan na hindi maiiwasan, may mga bagay na mahirap aminin kung kaya napipilitan na magsinungaling ang isang tao. Ngunit minsan ay kailangan mong pangatawanan ang mga pinagsinungalingan mo. Sa pagiging pranka, hindi maiiwasan na masasaktan mo ang damdamin ng mga tao sa paligid mo. Masakit ngunit totoo, mas maiging sinaktan mo siya dahil sinabi mo ang totoo, kaysa sa napangiti mo siya sa isang kasinungalingan.


May mga bagay na dapat malaman ang isang tao na hindi niya pwedeng basta basta na lamang ipagkakalat at ipagyayabang. Lahat ay may pantay pantay na karapatan na ipahayag ang mga saloobin ngunit sadyang marupok at mapangahas ang mga tao. Minsan ay gumagawa siya ng mga bagay nang hindi pinag-iisipan kung ano ang kahihinatnan at kung anu-ano at sinu-sino ang madadamay sa mga kalalabasan, kung ito ba ay makabubuti o makakasama.

        Kahalintulad ng isang guro na naatasang magsiwalat at magpalaganap ng mga wastong kaalaman ngunit sa likod ng bawat edukasyon na kanyang ipinamamahagi ay ang mga lihim na mula pa nun bata pa siya ay pinakatagu-tago na niya at kahit kanino ay di niya ninais ipaalam.
          Nahihirapan na marahil ang iba kung kaya sa ihip ng tadhana ay natutumba at bumibigay sila. Bagaman pinagtibay sila ng kanilang pananalig ,silay tiyak na magagapi sapagkat ang nakatayo sa altar ng kanilang paniniwala ay ang mga pekeng panginoon, na nangingintab sa ginto na sinamsam nila sa mga tangang sumasamba sa kanila, na patuloy na nabubulag sa mga kunwaring tulong at kalingang inilalaan sa kanila ng mga hangal na panginoon. Ang tenga ng panginoon nila ay banat at unat na kunwari ay pinakikinggan ang lahat ng nasasakupan ngunit ang katotohanay matagal na silang bingi.Nabingi sila sa kalansing ng pera na ibinulsa nila galing sa kaban ng mga taong tunay na nagmamay-ari ng kayamanan. Ninakaw nila ang barya na pinaghirapan ng mga aba kung kanilang tawagin. Baryang dugot pawis ang pinuhunan upang kamitin ang kakaunting barya na umaakit  sa mga sakim na bayani-kuno ng lansangan  na pangunahing kutong ng lansangan. kutong nga ba? marahil kutong nga? siguro nga kutong. sige na nga kutong nga talaga.
          Bakit nga ba hindi nagtataka ang mga kaanib ng mga pinunong ito kung bakit ang kahirapan ay tila institusyon na, na kung ayaw mong makibagay ay tiyak na mahuhuli ka sa lipunan. Ngunot ang lubhang nakapagtataka ay kung bakit ang mga dukha, kahit anong pagpapagal ang gagawin ay tila nakatali na ang buhay sa haligi ng kahirapan at kung bakit ang mga mayayaman ay animoy  nakajet patungo sa tagumpay.
Ano nga ba ang kulang? Alin nga ba ang mali?
Sino ang hindi kumikilos? Sino ang dapat sisihin at sino ang dapat mamulat?
Simulan mo sa sarili mo kaibigan  ko.


Minsan, mas maigi na itago mo na lang ang mga opinyon mo kaysa sa sabihin mo ito at maging sanhi ng isang magulong usapan.

Alin ang mahirap gawin, ang magsinungaling ka sa sarili mo o ang magsinungaling ka sa kapwa mo.
Kailan nga ba dapat maging pranka at kailan nga ba dapat maging tahimik na lang?
Tulad ng pakikisama, bakit kailangan mong ngumiti at makipag-usap sa tao na hindi mo naman gusto kausapin? Kasi nakikisama ka at ayaw mo ng gulo. Ayaw mo ng awkwardness sa pagitan ng grupo.  Ngunit agsisinungaling ka sa sarili mo. Pinipilit mo ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman gusto.
Ngunit alam mong iyon ang ikabubuti ng lahat.

Ang mundo ay umiiikot para sa lahat, kaya nararapat lang na bawat kilos at salita natin ay nakaayon sa damdamin ng pangkalahatang madla. Dahil sa bawat masayang kabayo ay  katumbas ng umiiyak na damo. Korny no?....Marahil nga, ngunit ang buhay sa mundo ay isang malaking give and take relationship. May mga pagkakataon na kailangan mong magparaya para sa ikasasaya ng iba. At minsan, kailangan mong apakan ang iba para makatayo ka. Sabi nga nila na hindi mo kailangang mang-apak ng damdamin ng iba para makaangat ka sa buhay. Ngunit hindi mo maiiwasan na may masasaktan sa bawat hakbang na gagawin mo upang mga-usad ka sa buhay.#



No comments: