para kay inay.......
Salamat sa iyo inay, ang aking matiyagang naging gabay, ang matatag na tanglaw, at ang mapagmahal na nag-bigay.
Pasensya ka na inay kung siyam na buwan din akong namalagi sa tiyan mo, medyo mahina talaga kasi ako. Naalala ko,
wala pa akong buto nun, maingat mo akong karga. Ang pagdidisco ay itinigil mo pa para lang wag ako mapaano.
Alam ko, kahit ayaw mo ng gulay, ay tiniis mong kainin ang mga binibigay ni lola, para daw lumusog ako.
Ipagpaumanhin mo rin kung naging sanhi ako ng walang humpay na pagsusuka mo kada umaga, at kung naamoy mo ang
paboritong pabango ni papa. Paumanhin din sa mga gabing hindi ka makatulog ng maayos dahil naglilikot ako sa loob
ng sinapupunan mo. Sa mga pagkain na di mo makain, patawad, hindi ko sinasadyang iyon ang magiging kapalit ng
pamamalagi ko sa tiyan mo. Kahit sintunado ka ng kunti, salamat po sa mga gabi na kinakantahan mo ako ng mga
awit na kay sarap sa tenga, lalo na iyong themesong nyo ni papa. Kahit medyo luma na, gustong gusto kong
pakinggan sa tuwi-tuwina. Tuwing umaga, pinapasyal mo ako sa parke, kahit di ko nakikita, nararamdaman ko ang
simoy ng hangin na pumapawi sa pagod mo. Naririnig ko rin ang halakhakan ng mga kapwa mo nanay dun, habang
nilalaro nila ang kani-kanilang sanggol. Dahilan upang lalo mo akong alagaan. Alam kong excited kayo ni papa na
makita ko. Kahit mahirap sa iyo ay kakayanin mo, para sa kapakanan ng buhay ko. Tuwing hapon, binabasahan mo pa
ako ng mga kwento tungkol sa mundong ibabaw, na nagbibigay sa akin ng tuwa. Naeexcite din akong lumabas, upang
makita ang masayang mundo na ikinikwento mo. Tapos, habang nag-gagantsilyo ka ng mga magiging gamit ko,
pinapatugtog mo ang mga nakakbuhay na awitin, pasensya ka na kung nasisipa kita minsan, napapaindak lang talaga
ako.
Nung araw ng huli kong pamamalagi sa tiyan mo, medyo huramintado ako, pasensya na. Excited lang ako lumabas.
Sa wakas, makikita ko na ang mundong ikinikwento mo. NAkikita ko ang mukha mo na bakas ang pamimilipit sa sakit.
Walang akong magawa, hindi ko alam paano lumabas, pasensya ka na kung nahirapan kang ilabas ako. Kahit halos
mawalan ka na ng hininga, ay pinilit mo pa rin na ilabas ako. Alam kong maari mong ikamatay ang pagsilang sa akin,
ngunit hindi kasumuko. Salamat inay. Ang aking pag-iyak ay ngiti ang idinulot sa mga labi ninyo ni papa. Sa kabila
ng lahat ng paghihirap, ay nababatid ko ang labis na tuwa sa mukha ninyong dalawa ni papa.
Nung di pa ako marunong lumakad, salamat sa pag-aaruga mo sa akin. Sa pagpunas sa mukha ko tuwing nadadapa ako
kung saan saan. Sa pagpunas ng pwet ko, tuwing popopo ako, sa mga wewe ko na bumabasa sa higaan natin na matiyaga
mong nilalabhan. Kahit amoy panis ako, hinahalikan mo pa rin ako. Tuwing gabi, kahit puyat ka iy pinapadede mo
ako. PAsensya na kung medyo marami kang eyebugs nun, di ka kasi makatulog ng maayos, dahil panay ang iyak ko.
Patawad din kung hindi mo pwedeng puntahan ang birthday ng best friend mo dahil walang maiiwan na mag-aalaga sa
akin. Salamat at hindi mo ako ipagkakatiwala sa kahit na sino. Salamat sa pag-aaalala mo inay.
Sorry sa mga pagkakataong nakatingin sa iyo ang lahat nung minsang nagsimba ka kasama ako, dahil di ko napigilang
pomopo. Sorry nung natapon ko ang bote ng gatas na pinaghirapan mong itimpla. Hindi pa kasi ako marunong magbalanse
sa paghawak ng mga bagay bagay. Ngunit imbis na magalit, tinuruan mo akong tumayo. Tinuruan mo akong lumakad.
Ang unang hakbang sa buhay na ginawa ko ay utang ko sa inyo.
PAsensya ka na kung nahirapan kang habulin ako nung marunong na akong lumakad. Normal lang daw kasi sa amin ang
maging malikot, kaya nakangiti ka lang habang binabasag ko ang mga flower vase na nadadaanan ng malikot kung
kamay. Pasensya na rin kung pomopopo ako kung saan saan. MEdyo maamoy na dahil sa mga pinagkakain ko, pero
matiyaga mong nililinis. Salamat talaga.
Salamat din, dahil natuto din akong magsalita. Kahit puro mamamamma lang at papappapa. Gayun pa man,
labis ninyo akong inintindi sa mga salita na nais kong maiparating.
Kaya lang, nung natuto akong magsalita ng maayos, medyo may mga mura akong natutunan. ngayon na kaya ko nang
buksan ang ref mag-isa, wala na akong pakialam, inuubos ko ang lahat ng gusto kong kainin
kahit ang masayang ang iba. Nasisigawan ko rin kayo sa mga panahong pinipilit nyo akong gumising ng maaga, at sa
mga pagkaktaong ayaw kong maligo, pinapaliguan nyo pa ako, huwag lang ako magmukhang dugyot sa harap ng mga kalaro
kong wala din namang pakialam kung naligo ako o hindi.
Gusto ko pong malaman nyo na okay lang na paluin niyo ako tuwing nagpapasaway ako. noon galit ako tuwing pinapa-
ngaralan nyo ako. Ngayon ko lang nalaman na kailangan ko pala iyon upang hindi ako lumaking walang galang.
Lahat nang hini ko naiintindihan nun, napagtanto ko ngayon. Ngayon na nakaharap na ako sa tunay na mundo.
Hindi ko alam nun na kay hirap pala na maghanapbuhay. Na ang mga sinayang ko noon na mga pagkain, ang mga baon
na pinambibili ko ng mamahaling kape sa isang coffe chain, ay dugot pawis palang pinagtrabahuan ni papa para
mabigyan lang ako ng baon.
Sa mga gabing nilihim ko na bumagsak ako sa exam ko, patawad po, takot po kasi akong mapagalitan ninyo. Hindi
ko po kasi alam na para sa ikabubuti ko ang mga sasabihin ninyo. Na tutulungan nyo lang akong maging maayos ang
pag-aaral ko, at hindi ang pasamain ang loob ko tuwing binabawasan niyo ang baon ko. Kahit mahirap lang tayo,
napakayaman ko sa mga pangaral, na kahit basahin ko pa ang lahatng libro, ay sa inyo ko lang matutunan.
Na kahit sigawan ko pa kayo, na kahit isnabin ko pa kayo minsan, at kinaiinisan, hindi magbabago ang katotohanang
mahal niyo ako dahil anak niyo ako at hindi dahil sa magandang bagay na dapat mahalin sa akin.
Na pakiramdam ko lang pala yung tila malli ko lang ang tinitingnan ninyo, dahil kahit gaano pa karami ang mali ko.
Andiyan pa rin kayo para alalayan ako sa lahat ng bagay. Na kahit halos mamatay kayo ay isnugal niyo angbuhay ko,
makita ko lang kung gaano kaganda ang mundo. Salamat po.
Naiintindihan ko po kung bakit kailangan na mapagalitan ninyo ako minsan. Kung bakit kailangang bawasan ang allowance
ko. Dahil kahit anong mangyari, sa kabila ng lahat ng kapalpakan ko, ay ang pagmamahal ninyo na bumabalot sa
lahat ng mg aiyon upang ang matira na lang ay ang mga mabubuti kong nagawa. Tulad ng minsang isang umaga ay
matagumpay akong nakabangon ng maaga ng hindi na kayo namamalat sa kakasigaw. Simpleng bagay, kumpara sa mga
nagawa ninyo, ngunit labis ang tuwa ninyo.
Alam kong sa lahat gagawin ko, kahit ibalik niyo pa ako sa sinapupunan niyo, ay hindi ko mababayaran ang mga
utang na loob ko sa inyo. Hindi pa kasali ang materyal na bagay. Kung uulitin ang buhay ko, kayo pa rin po ang
pipiliin kong nanay. Ang nanay na nagpunas ng puwet ko nung hindi ko pa alam ang dumi ng popo. Ang nanay na
tumatabi sa akin kahit mabaho ako. Ang nanay na nagpupuyat para bantayan ako tuwing nagkakasakit ako. Ang nanay
magturo sa akin maglakad. Ang nagturo sa akin magsalita, ang masipag na humahabol sa akin tuwing tumatakbo
ako ng walang pakialam kung mababangga o hindi. Ang nanay na matiyagang ihatid ako sa iskul. Ang nanay na
sinasamahan akong magpuyat s mga assignments ko. Ang nanay na ipinagluluto ang crush ko. Ang nanay na pinaplantsa
anh damit ko, ang naghahanda ng damit ko bago umalis. At kung ano ano pa. Higt sa lahat, ang nanay na pinupunasan
ang luha ko sa mga pagkakataong wala akong karamay. Sa mga talo, sa mga sakit sa puso, sakit sa bulsa, sakit ng
katamaran, at kung anu ano pang sakit, lagi kang andiyan at handa akong damayan.
Sa lahat, masuklian man kita o hindi, nais kong iparating sa iyo ang aking taos pusong pasasalamat. Inay, the best
hero God had sent to me.

No comments:
Post a Comment