bawat isa ay may kanya-kanyang diskarte pagdating sa exam.Bawat estudyanteng pumasa ay gumamit ng naiiba sa lahat o minsan ay ordinaryong pamamaraan makapasa lang sa exam.
halinat ating pahapyaw na banghayin ang tila nakakatawa ngunit makatutuhanang ginagawa ng bawat estudyante.....
bato bato sa langit ang matamaan, blessing..
a.) BAGO ang exam
1. Ang mga naghahabol na makapasa. Sila iyong pilit ipinapasa ang exam huwag lang mahuli ni nanay at tatay na siya minsan o madalas ay nagkacutting.Iyong mga tipong, di nmn nakikinig,di rin nagsusulat.
Kunwari ay may hindi sila naisulat na notes kaya mangihiram saglit ng notebook sa kaklase na masipag magsulat. Pagnakahiram ay dali daling magpapaxerox, dahil ang totoo, wala nmn talaga xang naisulat. Mabilis na magrereview at tila kompyuter ang utak na ipapasok kaagad-agad ang mga lesson na hindi naman niya naiintindihan. Sa gabi ay
2. Ang mga pakyut. Nagrereview pero ang utak ay wala sa binabasa. Kunwari ay tahimik namagbabasa sa sulok habang ang isang mata ay nagmamasid kung nakatingin sa kanya si crush. Minsan, pagnapapansin na hindi talaga siya napapansin ni CRUSH na nagrereview siya ay lilipat pa talaga siya sa gitna at doon magbabasa ng kunwari ay kinakausap ang sarili. Sa gabi, tinitext niya lahat ng kaklase para lang iinform na nahihirapan siya sa pagrereview, eh pano pa kaya siya makakapagreview ng maayos eh busy na siya sa kakareply ng mga concern text ng mga kaklase niya na nagsasabing "ok lng yn, kaya u yn,,ikw pa..".Si pakyut naman,kikiligin at tuluyanng di makakapagreview,puro text n lng ang magyayari...
3. Ang mga adik sa kompyuter. Manghihingi ng extra allowance kay nanay dahil malapit na ang exam at kailangan niya ng extra more time sa kompyuter dahil marami siyang ireresearch para mas lalong maiintindihan ang mga lessons na siguradong lalabas sa exam. Pagdating sa kompyuter, kunwari ay uunahin muna niya ang paborito niyang laro para makapagstart-up iyong utak, parang makinakumbaga,kelangang magheat muna para gumanda ang takbo. Maglalaro siya ng dota o di kaya ay special force o di kaya ay facebook. Tapos ay hihintayin na lang niya na tatanungin siya ng internet shop attendant kung mag-eextend pa siya saka siya magreresearch. Ngunit nakadalawang extend na siya ay sa laro pa rin siya nakaharap. hanggang huling pang-extend ay wala parin siyang nareview. sasabihin niya manghihingi na lang siya ng extra more minutes sa bantay ng shop para pangreview. Nakakaloka naman iyon, five minutes pangreview? Pag hindi siya binigyan ng extra minutes ay magmamaktol at bubulong bulong na di siya nakapagreview dahil di siya nabigyan free minutes..Pag-uwi sasabihin niya sa nanay na tiyak na madali lang ang exam at siguradong maipapasa niya, oh diba nagyabang pa talaga...
b.) HABANG nasa exam
1. Si pahabol, nagkakamot sa ulo na wala namang kuto, kasi namental bock. Akalain mo ba namang magdamag niyang inral ang lahat ng lesson. Lilingon-lingon siya at maghahanap ng mukhang nakaharap sa kanya at masenyasan niya ng answer. O di kaya ay pag nakatingin saglit si ma'am sa cellphone niya ay dagli niyang hahabaan ang leeg niya upang makita ang sagot ng katabi,mali man o tama, bahala na si BATMAN. basta may maisagot lang siya.
2. Si pakyut. Ang medyo mahangin rin, kunwari ay pakanta-kanta pa siya sa pagsagot ng exam. Iyon paa ay wala namang naisagpt. Lahat ng di niya alam ay lalagpasan at tatapusin ang exam ng walang bahid ng pag-aalala. Lilingon lingon pa siya sa mga kaklase at ngingiti-ngiti. Tapos ay uunahan niya pa sa pagpasa ang matalino sa klase nila.
3.Si adik sa kompyuter. Walang maalala kundi ang genocide at fire in the hole lang. At tsaka ang pictures ng mga crush niya sa facebook.Naks naman talaga. Ngunit sadyang magaling siya,irereason out niya lahat ng hindi niya alam. Lalabas na may malalim siyang sagot.Isang exlanation na hindi alan kung saan nahugot..
c.)PAGKATAPOS ng exam..
1. Si pahabol. Ang pinakahuling pagpapasa ng papel. hihimayinang bawat sagot kahit nagkanda sugat sugat na yong anit niya sa kakamot.
2. Si pakyut.Parang walang nangyari at nagtitext pa siya. Ginugood luck pa ang mga kaklase para sa results. Pakanta kanta pa habang naghhintay para sa susunod na subject na eexamin.
3. SI adik sa kompyuter. Excited na matapos na lahat ng exam at nang wala na siyang iisipin habang naglalaro ng paborito niyang online games. Tapos pagtinanong siya tungkol sa exam, ang isasagot, paliwanag na napakahaba galing sa internet kuno na kahit ang matalino sa klase ay nagugulluhan at hindi maintindihan..
Pagdating ng results, ang masipag lang ang pumasa, merong tsumamba na medyo nakakabit sa tenga ng 75 pero madami ang pumalya. Silang tatlo ang sasabihin pagkatanggap ng results, "GANUN TALAGA ANG BUHAY. MAY NEXT TIME PA NMN EH..." di na nadala...
No comments:
Post a Comment