parang kahapon lang ang enrollan,
akin pang natatandaan, mga harutan sa daan.
walang humpay na tawanan habang nasa pilahan.
di matapos tapos na enrollan atin pang pinagkakasiyahan.
sa bawat pagsusulit na dumarating.
kanya kanyang diskarte din
aral sa tambayan
aral sa silid aklatan
pagsusulit na katakot-takot
pasasaan ba't itoy matatapos
si titser na laging nakabusangot
ewan ko ba bakit di ko malimot.
tsismisan sa canteen,
kunyari kumakain
iyon pala'y nakatingin
sa mga cute na dumarating
sa pasilyo aking hinihintay
crush kong, mata ay mapungay
ngiti tumutunaw sa pagod
ng buo kong mag-hapon
mga pasyalan pagkatapos ng klase,
galaan, manonood ng sine
kasama ko si pogi
na sa akin ay nabighani
sa pagsapit ng hapon aking napupuna
pag-aaral koy walang kasing saya
mga masasayang kasama
kaklasing walang kasing ganda
bukas makalawa
tayoy magkakanya kanya na
masasayang kulitan
tiyak mapapalitan na
tatahaking landas medyo seroso na
gayun pa may aking laging babalikan
kahapong tila walang hangganan.
masayang pagsasamahan
kailanmay di malilimutan.
kayong aking mga kaibigan
nagpatibay sa aking katauhan
pinunan ang pangangailangan
upang mabuo ang pagkataong
inyong hinangaan.
ikaw na labis kong minahal
inspirasyon sa aking pag-aaal
ngiting pawi sa kaluluwang pagal
puso koy iyong tinuruang magmahal.
Nay, tay, kahit akoy pasaway
minamahal ko po kayong tunay
aausin ko ang aking buhay
huwag na kayong malumbay
san man mapadpad
san man dalhin ng liwanag
gunitang sa inyo nakamtan
aking hindi kakalimutan
sanay maaaari pang balikan
masasayang tawanan
ang minsang iyakan
na nagpatatag sa ating samahan.
mahal kong kaibigan
nakatatak ka sa aking pusot isipan.
hindi kita kakalimuan
dahil sa puso ko ikay may kalalagyan.